單集摘要
Kuwento ng pamilya ni Romel sa Kasiguran, Sorsogon na namumuhay nang tahimik sa pagsasaka kasama ang kanyang pamilya at mga biyanan. Nagbago ang lahat nang magsimulang dumadaan hapon-hapon ang apat na misteryosong manlalako na nanghihingi at nang-aabuso sa kabaitan ng pamilya. Nang tumanggi na silang magbigay, natuklasan nila na ang mga manlalakong ito ay hindi ordinaryong tao kundi mga alipin ng aswang na nandidikdik at kumukubkob sa kanilang lugar at nagnanakaw ng mga bata. Sa tulong ng buong baryo, pinagplanuhan at dinukot nila ang mga manlalako upang matunton ang kuta ng mga aswang, mailigtas ang mga nawawalang bata, at maipagtanggol ang kanilang pamayanan.
Kuwento ng pamilya ni Romel sa Kasiguran, Sorsogon na namumuhay nang tahimik sa pagsasaka kasama ang kanyang pamilya at mga biyanan. Nagbago ang lahat nang magsimulang dumadaan hapon-hapon ang apat na misteryosong manlalako na nanghihingi at nang-aabuso sa kabaitan ng pamilya. Nang tumanggi na silang magbigay, natuklasan nila na ang mga manlalakong ito ay hindi ordinaryong tao kundi mga alipin ng aswang na nandidikdik at kumukubkob sa kanilang lugar at nagnanakaw ng mga bata. Sa tulong ng buong baryo, pinagplanuhan at dinukot nila ang mga manlalako upang matunton ang kuta ng mga aswang, mailigtas ang mga nawawalang bata, at maipagtanggol ang kanilang pamayanan.
單集
Episode 366: Mga Aliping Manlalako
已收聽Kuwento ng pamilya ni Romel sa Kasiguran, Sorsogon na namumuhay nang tahimik sa pagsasaka kasama ang kanyang pamilya at mga biyanan. Nagbago ang lahat nang magsimulang dumadaan hapon-hapon ang apat na misteryosong manlalako na nanghihingi at nang-aabuso sa kabaitan ng pamilya. Nang tumanggi na silang magbigay, natuklasan nila na ang mga manlalakong ito ay hindi ordinaryong tao kundi mga alipin ng aswang na nandidikdik at kumukubkob sa kanilang lugar at nagnanakaw ng mga bata. Sa tulong ng buong baryo, pinagplanuhan at dinukot nila ang mga manlalako upang matunton ang kuta ng mga aswang, mailigtas ang mga nawawalang bata, at maipagtanggol ang kanilang pamayanan.
Episode 365: Ang Calibre ng Karga ni Lola Cora
已收聽Kuwento ng pamilya ni Nelsor sa Bolinao, Pangasinan na may-ari ng matatagumpay na tindahan. Nang kumuha sila ng dalawang magagandang katulong mula sa Masinloc, bigla na lamang pinatay at ginahasa ang mga ito ng mga kawatan. Ang lola ng mga dalaga—si Lola Cora—ay isang napakamakapangyarihang mangkukulam at aswang na nagtataglay ng nakakakilabot na karga. Sa pamamagitan ng kanyang itim na karunungan, inutusan niya ang kanyang mga alagang aswang at insekto upang maghiganti at ubusin ang buong pamilya ng mga pumatay sa kanyang mga apo, bago muling binuhay ang dalawa. Isang kuwento ng matinding paghihiganti, kababalaghan, at ang hindi mapantayang kapangyarihan ng lumang paniniwala.
Episode 364: Ang Medalyon ng San Miguel Arkanghel
已收聽Kuwento ng 18 anyos na si Dadep mula sa Tukuran, Zamboanga del Sur na lumaki sa piling ng kanyang tiyuhing rebelde sa kabundukan. Nang mawala ang kanyang tiyuhing lider ng mga rebelde, pinalakas ni Dadep ang kanyang loob at umakyat sa bundok kasama ang kanyang ama upang hanapin ito. Doon nila natuklasan na ang kuta ng mga rebelde ay ginigipit at sinasalakay ng isang hukbo ng mga taong lobo. Sa tulong ng ipinamana sa kanyang agimat—ang medalyon ni San Miguel Arkanghel—nabura ang marka ng mga taong lobo sa kanila at nakaligtas sila sa gitna ng matinding digmaan sa kabundukan. Isang kuwento ng katapangan, pagmamahal sa pamilya, at espiritwal na proteksyon sa gitna ng panganib
Episode 363: Mutya ng Puso ng Bathala
已收聽Kuwento tungkol kay Badot mula Maasin, Leyte na nagtrabaho sa China bilang katiwala ng isang matandang kolektor ng mga sinaunang gamit. Nang magkaroon siya ng malubhang sakit sa atay at walang kakayahang magpa-opera, binuksan niya ang isang lumang kahoy na kahon mula sa China at natuklasan ang isang pulang kristal na bato o "Mutya ng Puso ng Bathala". Ang mutyang ito—na naging dahilan upang gumaling siya at magkaroon ng kakaibang kapangyarihan at pagkontrol sa mga demonyo at elemento—ay nagdala sa kanya sa iba't ibang pagsubok at pakikipaglaban sa mga aswang at antingero upang protektahan ang kanyang pamilya.
Episode 362: Baldog, Ang Pinakamalakas na Aswang ss Buong Palawan
已收聽Nakarating sa tagong kweba sa Palawan ang mayamang lakwatserong si Jerome, ngunit doon niya nakaharap ang "Baldog"—ang pinakamalakas at kinatatakutang aswang sa lalawigan. Alamin kung paano nauwi sa isang dugong labanan para sa kaligtasan ang kaniyang pangarap na paglalakbay laban sa sinaunang kadiliman.